Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Sabado at Linggo



Sabado:

Alas sais ng umaga ay umalis na ako sa aming tahanan dahil kasam ako sa lakbay aral para sa mga SSG. Ang una naming pinuntahan ay ang Yub Design na kung saan tinignan namin ang mga statwa .Ang pangalawa naming pinuntahan ay ang Sweet Field Trip na kung saan bumalik ako sa pagkabata dahil muli kaming naglaro ng mga larong kalye katulad ng habulang daga at tumbang preso.Ang pangatlo ay ang hinulugang taktak ng antpolo.Napahanga ako sa taglay nitong ganda.At ang huli ay ang Pililla Rizal . Kumuha kami  ng larawan ng mga windmill,nagtakbuhan sa batuhan at kumain ng sorbetes.
Ang araw na ito ay masaya at nakakaasar.Masaya dahil nakapunta sa ibat ibang lugar sa rizal at may bagong nakilalang SSG Officer mula sa ibang paaralan. At malungkot dahil nahilo ako sa biyahe na dahilan para ako ay magsuka.


Linggo:

Alas nwebe ng umaga ay pumunta kami sa simbahan upang magsimba at magdasal.Punta rin kami sa Sta.Lucia na kung saan ay kumain kami sa Jollibee, nagpaayos ng cellphone at tablet at bumili ng bagong cellphone.

Ang araw na ito ay papamagatan ko na Linggo ng Reyalisasyon dahil napagtanto ko na hindi naman kaylangan bumili ng bagong cellphone pahalagahan nalang natin ang mga bagay na                                            meron tayo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento