Miyerkules, Setyembre 23, 2015

Mahalin huwag saktan.

Marami sa ating mga pinoy ay mahilig sa mga hayop.Ang ilan pa nga satin ay may alagang hayop tulad ng aso, pusa, isda at mga ibon yulad ng manok,kalapati, at marami pang iba.
Aso,tinaguriang man’s bestfriend, Ito rin yata ang madalas na alagaan ng mga tao.Pinapaliguan , pinapakain ,pinatitira ,at higit sa lahat ay minamahal.

Minamahal? Tunay nga bang minamahal  natin ang mga alaga nating hayop? Eh bakit yung iba sinasaktan?

Kung aso ang paboritong alagaan ng mga tao, Ito rin ang madalas na saktan o abusuhin ng iba satin. Nakakaasar ang mga taong nagaalaga ng mga hayop pero sinasaktan nila at nakakaasar din ang mga taong mahilig manakit ng mga hayop. Oras na nakakita ako ng tao na sinasaktan o pinapatay ang  mga hayop ay ipagbibigay alam koi to sa kinauukulan.

Ang mga hayop minamahal hindi sinasaktan.Binigyan ito ng buhay ng poong maykapal dahil ito ay may ginagampanang tungkulin ditto sa mundo. Kaya naman Isip-isip din pag may time.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento