Marami sa ating
mga pinoy ay mahilig sa mga hayop.Ang ilan pa nga satin ay may alagang hayop
tulad ng aso, pusa, isda at mga ibon yulad ng manok,kalapati, at marami pang
iba.
Aso,tinaguriang man’s bestfriend, Ito rin yata ang madalas na alagaan ng mga
tao.Pinapaliguan , pinapakain ,pinatitira ,at higit sa lahat ay minamahal.
Minamahal? Tunay nga bang minamahal natin ang mga alaga nating hayop? Eh bakit
yung iba sinasaktan?
Kung aso ang paboritong alagaan ng mga tao, Ito rin ang madalas na saktan o
abusuhin ng iba satin. Nakakaasar ang mga taong nagaalaga ng mga hayop pero
sinasaktan nila at nakakaasar din ang mga taong mahilig manakit ng mga hayop.
Oras na nakakita ako ng tao na sinasaktan o pinapatay ang mga hayop ay ipagbibigay alam koi to sa
kinauukulan.
Ang mga hayop minamahal hindi sinasaktan.Binigyan ito ng buhay ng poong
maykapal dahil ito ay may ginagampanang tungkulin ditto sa mundo. Kaya naman
Isip-isip din pag may time.
Sabado:
Alas sais ng umaga ay umalis na ako sa aming tahanan dahil kasam ako sa lakbay
aral para sa mga SSG. Ang una naming pinuntahan ay ang Yub Design na kung saan
tinignan namin ang mga statwa .Ang pangalawa naming pinuntahan ay ang Sweet
Field Trip na kung saan bumalik ako sa pagkabata dahil muli kaming naglaro ng
mga larong kalye katulad ng habulang daga at tumbang preso.Ang pangatlo ay ang
hinulugang taktak ng antpolo.Napahanga ako sa taglay nitong ganda.At ang huli
ay ang Pililla Rizal . Kumuha kami ng
larawan ng mga windmill,nagtakbuhan sa batuhan at kumain ng sorbetes.
Ang araw na ito ay masaya at nakakaasar.Masaya dahil nakapunta sa ibat ibang
lugar sa rizal at may bagong nakilalang SSG Officer mula sa ibang paaralan. At
malungkot dahil nahilo ako sa biyahe na dahilan para ako ay magsuka.
Linggo:
Alas nwebe ng umaga ay pumunta kami sa simbahan upang magsimba at
magdasal.Punta rin kami sa Sta.Lucia na kung saan ay kumain kami sa Jollibee,
nagpaayos ng cellphone at tablet at bumili ng bagong cellphone.
Ang araw na ito ay papamagatan ko na Linggo ng Reyalisasyon dahil napagtanto ko
na hindi naman kaylangan bumili ng bagong cellphone pahalagahan nalang natin
ang mga bagay na meron tayo.
Kung pagbibigyan ako ng
pagkakataon na makapunta sa korea,ano kaya ang gagawin ko doon?
1.Kakain ako ng kimchi
2.Pupunta ako sa Gyeong gi Do amusement park
3.Aakyat ako sa namsan tower
4.Kukuha ng larawan ng jeju island
5.Pupuntahan ang mga museo ng korea
6.Panonoorin ang paglubog ng araw sa Ggotji Beach
7.Masubukang magtanim sa Hamyang terraced fields
8.Makakain ng bbopki
9.Mapuntahan ang The Garden of Morning Calm
10.Makakain ng bibimbap

September,October,November
at December o mas kilala bilang "BER Months".Ang buwan kung saan lamalamig na ang
simoy ng hanggin.Sinasabi rin ng nakararami na Ito ang simula ng pasko.Pero
para saakin,ito ang buwan kung saan ako ay masaya,buhay na buhay at
mapagpasalamat na tao.
Masaya dahil ito ang buwan kung saan sasapit ang aking kaarawan ,ito ay ang
buwan ng Oktubre.
Buhay na buhay dahil sasabit na ang buwan ng mga santo at ang araw ng mga patay
o Halloween.Tuwing buwan ng nobyembre,buhay nabuhay ako dahil may katatakutan
na naman ang ipapalabas sa telbisyon at may katatakutan nangyayari sa labas na
kung saan gustong gusto ko.
Mapagpasalamat dahil ang buwan na ito ay napaka espesyal saakin dahil ito lang
naman ang buwan kung saan ipinanganak si jesus,ito ay ang buwan ng
Disyembre.Tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre,busog na busog kami dahil
marami ang aming handa.Ito rin ang buwan na nagpapasalamat ako sa mga bagay na
meron ako at sa mga magagandang bagay na nangyari sa aking buhay sa buong taon.
Ang mga salitang lumalabas sa ating bibig ay lubhang makapangyarihan.Makapangyarihan ito dahil pwede ito maging susi sa magandang pagbabago kung gagamitin sa mabuting paraan.At pag ginamit naman ito sa maling paraan,pwede ito pagmulan ng away o kaya naman ay kaguluhan.
Kaya naman bago tayo magsalita ng kung ano-ano sa ating kapwa ay pag-isipan muna ng mabuti ng sagayon ay hindi tayo makasakit ng damdamin ng iba.Kaya naman "Think Before You Speak"