Sabado, Marso 19, 2016

Para sa aming guro



  Noong ako’y grade 8 palamang aming guro sa asignaturang Filipino ay nagpa observe sa chairman  ng  Filipino.Siyempre lahat kami ay kainakabahan dahil ang mag –oobserba  sa amin ay ang chairman ng Filipino.

  Natapos ang oras nang pag-oobserba at oras na para sa komento na aming maririnig.Lahat kami ay tuluyan natahimik nang sabihin ng chairman ng Filipino ang kanyang komento.

  Sa tuwing makakasalubong ko ang naturang guro na nagbigay nang komento sa amin ay kaba at takot ang nadarama.Masasabi kong istrikto ang gurong iyon marahil na rin siya ay isa sa mga chairman sa mga asignatura sa aming paaralan.


  Ngayon grade 9 na ako.Ang guro na aking kinakatakutan ay an gaming guro sa Filipino.Kaya naman sa tuwing siya na ang pumapasok na guro sa aminjg silid aralan ay lagi akong tumatahimik.

  Hindi ko alam kung bakit ang takot ko mula sa aming guro ay napalitan nang saya sa tuwing siya na ang mag-tuturo saamin.
Ang akala ko noon na siya ay masungit ay napalitan ng pagiging kwela.

  Sa tuwing natatapos na ang mga akda na aming binabasa ay siyempre hindi mawawala ang mga katanungan at ang reyalisasyon o aral na aming natutunan.Kapag kami ay natatapos nang sumagot sa mga katanunganat ang  mga sagot namin ay may halong “hugot”,Bigla na lang humuhugot an gaming guro at ang kinalabasan isang araw na kasiyahan at hugot ang matututunan.

  Kaya naman sa aming guro na si ma’am Marvilyn Mixto ng Filipino Department at kasalukuyang chairman ay maraming salamat po sa mga aral na naibahagi ninyo sa amin sa mga kasiyahan na nangyayari kapag kayo nap o ang nagtuturo sa amin at maraming maraming salamat po dahil nagsilbi po kayong pangalawang magulang naming.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento