
Karamihan ng mga tao ngayon ay sinasabi na ito ang araw ng pahinga ,pero para saakin tinatawag ko ito bilang panahon ng mga masasarap na pagkain.
Panahon ng mga masasarap na pagkain dahil may handa na hamon,keso de bola,fruit salad,cake, at mga masasarap na prutas tulad ng mansanas at mangga.
Ngayong christmas vacation naging abala ako sa pag gawa ng mga takdang aralin, sa pag babasa ng wattpad, sa panonood ng telebisyon at syempre sa paggamit ng facebook.
Gumawa din ako ng mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan,paggwawalis at pagluluto ng sinaing..
Ngayong pasko,hindi mawawala tuwing gabi ang mga bata na lumilibot sa mga bahay-bahay at kumakanta ng mga awiting pamasko sa madaling salita sila ay nangangarolin.
Matatawa ka na lang sa mga batang nangangarolin dahil ang mga inaasahan mong awiting pangpasko tulad ng jingle bell, sa may bahay at wish you a merry christmas ay hindi mo maririnig mula sakanila dahila ng kanilang inaawit ay santa claus may facebook kaba? at ang mga christmas song mula sa mga channel sa telebisyon gaya ng channel 2 (abs-cbn) at channel 7 (gma).
Ilan lamang yan sa mga naganap sa
christmas vacation ko at marami pang magaganap sa akin ngayong bakasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento