Martes, Disyembre 29, 2015

All I Want For Christmas......

Marami saatin ang may ibat-ibang kahilingan ngayong pasko na gustong-gustong matupad lalo na ang mga bata sa panahong ito.Ang ilan saatin ay may kanya-kanyang wishlist na gusto nilang matupad mula sa ibang tao.

Panigurado ang mga hilingng mga bata ngayong kapaskuhan ay mga laruan o di naman kaya ay mga gadgets tulad ng tablet at cellphone.Ang iba naman ay pera lang ang gusto nila matanggap.

Siyempre ngayong papalapit na ang araw ng pasko ay may wishlist din naman ako.
1. 0+ notepad with intellipen
2.bagong phone
3.color pencil (faber castle)
4.pera
at ang huli at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang magkasama sama kaming buong pamilya ngayong pasko.


Ito ang pinakamahalaganag bagay na hiniling ko ngayong pasko dahil naniniwala ako na ang pamilya ang pinakamahalaga sa lahat ng mga bagay , mas mahalaga pa sa dyamante ang pamilya ko.

Hindi man ito natupad sa kadahilanang nagtatrabaho ang aking ama sa ibang bansa ay ayos lang para saakin dahilnaiintindihan ko naman kung bakit wala siya sa aming tabi.Ginagawa niya iyon para makatapos kami ng pag aaral .



Kaya naman maligayang pasko sa lahat ng tao na andito sa mundong ito.

Christmas Vacation

Yesss!!! Ito ang panahon na kung saan ang mga estudyante na tulad ko ay lubos-lubos ang kasiyahan.
Karamihan ng mga tao ngayon ay sinasabi na ito ang araw ng pahinga ,pero para saakin tinatawag ko ito bilang panahon ng mga masasarap na pagkain.

Panahon ng mga masasarap na pagkain dahil may handa na hamon,keso de bola,fruit salad,cake, at mga masasarap na prutas tulad ng mansanas at mangga.

Ngayong christmas vacation naging abala ako sa pag gawa ng mga takdang aralin, sa pag babasa ng wattpad, sa panonood ng telebisyon at syempre sa paggamit ng facebook.
Gumawa din ako ng mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan,paggwawalis at pagluluto ng sinaing..

Ngayong pasko,hindi mawawala tuwing gabi ang mga bata na lumilibot sa mga bahay-bahay at kumakanta ng mga awiting pamasko sa madaling salita sila ay nangangarolin.
Matatawa ka na lang sa mga batang nangangarolin dahil ang mga inaasahan mong awiting pangpasko tulad ng jingle bell, sa may bahay at wish you a merry christmas ay hindi mo maririnig mula sakanila dahila ng kanilang inaawit ay santa claus may facebook kaba? at ang mga christmas song mula sa mga channel sa telebisyon gaya ng channel 2 (abs-cbn) at channel 7 (gma).

Ilan lamang yan sa mga naganap sa christmas vacation ko at marami pang magaganap sa akin ngayong bakasyon.

Huwebes, Disyembre 10, 2015

Bukod Tanggi sa Lahat

     Napili ko ang blog na ito dahil napaiyak ako ng mabasa ko ang post niya sa kaniyang blog na may titulo na “Ang MaPa ng buhay ko”.  
     
        
Kaya ako napaiyak ay dahil yung mga nakasulat dito ay totoo at tumatagos talaga sa aking puso.Totoo naman na kahit anong hirap na maranasan ng isang magulang sap ag-aaruga sa kanyang anak o mga anak ay gagawin nila ang lahat para mapabuti lamang ang kanilang mga buhay o sitwasyon .



http://jmmaganda.blogspot.com                                                                                                                                                 

Music Video

Napili ko ang music video na ito dahil bukod sa paborito koi to ay ramdam ko din ang sakit na lokohin at mag-pakamartir sa mga tao  lubos nating mahal kahit na sinasaktan tayo(DramaMode XD).

Ang titulo ng music video na ito ay I’m not the only one by sam smith.