
Agosto 26,2015 ginanap ang National Career Assessment Examination o NCAE sa aming paaralan Ito ay isang test upang malaman ang maaari mong kuning kurso pag tayo’y magkukolehiyo na. Ang bilis talaga ng oras. Ngayon pa lang inaalam na natin ang ating kukuning kurso.
Sa aking pagsasagot ng NCAE,ang aking nadarama ay kaba. Kaba dahil hindi ko alam ang mga isasagot ko sa bawat numero.Masaya rin naman ako kahit papaano dahil sa test na ito ay maari kong malaman ang kurso na aking kukunin.
Nung break na (hapon) natatawa ako dahil may isa akong ka room mate ang natapos na.HAHAHAHA nakakatawa siya dahil hinulaan niya ang mga isasagot.Gayon paman,nakakapagod ang araw na ito at masaya naman kahit papaano.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento