Lunes, Agosto 31, 2015

Araw ng sabado at liggo.

SABADO:

Alas sais ng umaga ay agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo upang mag hilamos.Pag-katapos ng pagihilamos ay nag luto ako ng kanin at ulam at nagtimpla ng gatas.Matapos ang masarap na pagkain, ay nag sipilyo,naligo at nagbihis na ako dahil pupunta pa ako sa aming paaralan (MbNHS).

Pag patak ng alas syete ng umaga,ay agad sinimulan ang "culminating activity" binigyan ng medalya at certi[iko ang mga magaaral na may top at mga piling magaaral na nanalo sa ibat ibang patimpalak sa paaralan.

Agosto ,29,2015 ang araw na pinakaaabangan ko dahil ang dito malalaman kung ano ang "rank" ko. Sinabi na kasi ni mam.socorro kung sino ang may mga top at kung sino ang mga kasama sa "top". At masaya ako nang banggitin ni mam. ang aking alpelyido na kaama sa "top"11-20.
Ito rin ang araw na kung saan na lubha akong masaya dahil nalaman ko na "rank 13 o 14 " ako. Kaya naman ang araw na iyon ay hindi ko malilimutan.

Linggo:

Umaga:
Alas sais ng umaga ay bumangon ako mula sa pagkakahiga upang bumili ng pandesal sa "bakery".Pag labas ko sa bahay ay agad kong nalanghap ang masarap,malamigat sariwang hangin.Tumakbo ako sa papunta sa bakery para magsilbing ehersisyo ko.Sa wakas ay nakarating na ako sa bakery at nakabili ng pandesal.Pag dating sa bahay ay kumain na kami .

Tanghali:
Nag-saing ako ng kanin at bumili ako sa karinderya ng menudo,monggo,mechado at sinigang.At dahi wala ako dalang payon tinakbo ko nalang ang daanan papunta saaming bahay.

Gabi:
Ako ay nagluto ng kanin at porkchop para sa aming hapunan.Habang nagluluto ng porkchop ay natalsikan ako ng mantika kaya naman pumunta ako sa banyo upang hugasan ang aking kamay na natalsikan ng mantika.Pag tapos non ay agad kaming nagsikain at ako ang naatasa na maghugas ng mga hugasin.

Miyerkules, Agosto 26, 2015

National Assessment Career Examination


Agosto 26,2015 ginanap ang National Career Assessment Examination o NCAE sa aming paaralan Ito
ay isang test upang malaman ang maaari mong kuning kurso pag tayo’y magkukolehiyo na. Ang bilis talaga ng oras. Ngayon pa lang inaalam na natin ang ating kukuning kurso.

Sa aking pagsasagot ng NCAE,ang aking nadarama ay kaba. Kaba dahil hindi ko alam ang  mga isasagot ko sa bawat numero.Masaya rin naman ako kahit papaano dahil sa test na ito ay maari kong malaman ang kurso na aking kukunin.

Nung break na (hapon) natatawa ako dahil may isa akong ka room mate ang natapos na.HAHAHAHA nakakatawa siya dahil hinulaan niya ang mga isasagot.Gayon paman,nakakapagod ang araw na ito at masaya naman kahit papaano.

Lunes, Agosto 24, 2015

Reaksiyon

Pinili ko ang blog na ito dahil maganda ang mga post nya lalo na ang "tula:labing limang buhay galing kay nanay"ni Ryan Dave Loreno dahil maganda ang mensahe ng kanyang tula at tumatalakay talaga ito sa tunay na buhay.Binuhos niya rin ang kanyang emosyon na nagpaganda lalo sa tulang                      kanyang ginawa.

ryandaveeloreno.blogspot.com

Linggo, Agosto 23, 2015

Paano magpahayag ng damdamin?


Likas sa ating mga tao ang malayang magpahayag nang ating saloobin o damdamin sa ating kapwa.May ilan ay walang takot na magpahayag nang damdamin sa kanilang kapwa at may ilan din na takot na magsabi ng kanilang saloobin.At meron din naman na hindi nila alam kung paano nila ipapahayag ang kanilang damdamin.

Pero,paano nga ba magpahayag ng damdamin?
Para saakin simple lang,sa pamamagitan ng pag sasalita.sabihin mo sa ang nais mong masabi sa kapwa mo.Sunod ay paggamit ng medium tulad ng mga social networks.Halimbawa Fb,twitter,Yahoo account at marami pang iba;pag tetext o pag tawag.At ang huli ay sa pagpapakita ng kilos.


Ang lahat ng tao dito sa mundong ito  ay may kalayaan ng magsabi ng kanilang saloobin hingil sa isang bagay,pero sana naman gamitin natin ito sa mabuting bagay.Sabi nga nila: "Be careful with your words.Once they are said,they can be only forgiven not forgotten".At laging pagkatatandaan,Think before you speak.

Martes, Agosto 18, 2015

Karanasan sa unang markahan at ang iyong inaasahan sa pangalawang markahan




Sa unang markahan ay naranasan ko ang hirap at tuwa sa mga aralin at sa mga pangkatang gawain na aming isinagawa.Masaya dahil may bagong natutunan,maraming natutuklasan  at masaya sa mga ginawang pangkatang gawain.


Mahirap dahil paminsan di kami nakapagpasa ng mga output sa tamang oras at yung iba hindi nakikiisa sa mga gawain.

At ngayong pangalawang markahan na,inaasahan ko na mas magiging mahirap ang mga tatalakayin,output,proyekto at marami pang iba.

Pero kung magiging mahirap man ang pangalawang markahan,maging masipag nalang,makinig ng mabuti sa mga panuo na ibibigay ng guro at huwag kalimutan na magdasal.

Lunes, Agosto 10, 2015

Ang paborito kong kwento

Nagustuhan ko ang kwentong ito dahil natutunan ko dito na hanapin muna ang isang bagay bago magtanong ng magtanong sa magulang.Ang pamagat ng kwentong ito ay Ang Alamat ng Pinya.
       
            Ang alamat ng Pinya
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pina. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinya, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

Lunes, Agosto 3, 2015

"HERO"

Image result for batman movieDito sa mundong ito ay may kanya kanyang problema tayong hinaharap.Minsan pa nga eh may mga taong nag- papakamatay nalang para maiwasan ang problema nila.Yung iba naman ay idinadaan nalang sa pag kain ng masasarap na tsokolate.Pero sa tuwing na maririnig ko ang kantang ito ay ito ang nag bibigay sa akin ng inspirasyon sa buhay na mag patuloy lang,ngumiti at harapin ang mga problema na may tapang at pananampalataya sa maykapal.
 Ang titulo ng kanta ay "HERO" na kinanta ni MARIAH CAREY.
                             
                   
             (Verse 1)
There's a hero if you look inside your heart,
You don't have to be afraid of what you are.
And There's an answer, if you reach into your soul,
And the sorrow that you know will melt away.

(Chorus)
And then a hero comes along,
With the strength to carry on.
And you cast your fears aside,
And you know you can survive.
So, when you feel like hope is gone,
Just Look inside you and be strong.
And you'll finally see the truth,
That a hero lies in you
...

(Verse 2)
It's a long road, when you face the world alone;
No one reaches out a hand for you to hold...
You can find love if you search within yourself
And then the emptiness you felt will disappear...

(Chorus)
And then a hero comes along
With the strength to carry on
And then you cast your fears aside
And you know you can survive.
So, when you feel like hope is gone
Look inside you and be strong
And then you'll finally see the truth
See That a hero lies in you.

(Bridge)
Lord knows dreams are hard to follow,
But don't let anyone tear them away
.
Just hold on, and there will be tomorrow,
And In time you'll find the way.

(Chorus)
And then a hero comes along,
With the strength to carry on.
And then you cast your fears aside
And you know you can survive.
So, when you feel like hope is gone,
Look inside you and be strong.
And you'll finally see the truth,
That a hero lies in you.
That a hero lies in you...