Sabado, Marso 19, 2016

  Ang aking naging karanasan mula sa oras ng asignaturang Filipino ay nagging Masaya naman dahil nakakapunta ako sa ibat-ibang lugar dahil sa aming nagging shooting .
Kahit na nakakapagod ay game parin ako dahil Masaya naman ako sa aking mga ginagawa.

  Pagdating naman sa pagtuturo n gaming guro ay Masaya rin dahil nakaka-relate kami sa mga sinasabing “hugot” n gaming guro..

  Sa kauuhan nagging Masaya ang nagging karanasan ko sa asignaturang filipino kahit na stress xD

Para sa aming guro



  Noong ako’y grade 8 palamang aming guro sa asignaturang Filipino ay nagpa observe sa chairman  ng  Filipino.Siyempre lahat kami ay kainakabahan dahil ang mag –oobserba  sa amin ay ang chairman ng Filipino.

  Natapos ang oras nang pag-oobserba at oras na para sa komento na aming maririnig.Lahat kami ay tuluyan natahimik nang sabihin ng chairman ng Filipino ang kanyang komento.

  Sa tuwing makakasalubong ko ang naturang guro na nagbigay nang komento sa amin ay kaba at takot ang nadarama.Masasabi kong istrikto ang gurong iyon marahil na rin siya ay isa sa mga chairman sa mga asignatura sa aming paaralan.


  Ngayon grade 9 na ako.Ang guro na aking kinakatakutan ay an gaming guro sa Filipino.Kaya naman sa tuwing siya na ang pumapasok na guro sa aminjg silid aralan ay lagi akong tumatahimik.

  Hindi ko alam kung bakit ang takot ko mula sa aming guro ay napalitan nang saya sa tuwing siya na ang mag-tuturo saamin.
Ang akala ko noon na siya ay masungit ay napalitan ng pagiging kwela.

  Sa tuwing natatapos na ang mga akda na aming binabasa ay siyempre hindi mawawala ang mga katanungan at ang reyalisasyon o aral na aming natutunan.Kapag kami ay natatapos nang sumagot sa mga katanunganat ang  mga sagot namin ay may halong “hugot”,Bigla na lang humuhugot an gaming guro at ang kinalabasan isang araw na kasiyahan at hugot ang matututunan.

  Kaya naman sa aming guro na si ma’am Marvilyn Mixto ng Filipino Department at kasalukuyang chairman ay maraming salamat po sa mga aral na naibahagi ninyo sa amin sa mga kasiyahan na nangyayari kapag kayo nap o ang nagtuturo sa amin at maraming maraming salamat po dahil nagsilbi po kayong pangalawang magulang naming.






Aral mula sa buong taong talakayan sa asignaturang Filipino

  Ang nakuha ko sa buong taong talakayan sa asignaturang Filipino ay ang mga aral na aming napupulot mula sa ibat-ibang akda na aming tinalakay dito.

  Sabihin na natin na puro hugot ang mas tumatak sa aking isipan ngunit hindi lang naman ito basta-bastang hugot.Ito ay ang mga natutunan kong aral o ideya sa tuwing oras na sa asignaturang Filipino.Kahit na paminsan-minsa’y kami ay natatawa o natatamaan sa mga “hugot” na aming narinig mula sa aming guro ay aminado naman ako na may punto ang mga ito.

  Kaya naman nagkaroon ako o kami ng reyalisasyon sa oras ng naturang asignatura na aming magagamit sa araw-araw.

Lunes, Pebrero 29, 2016

Araw ng mga sawi

Pebrero.Ito ang buwan ng mga puso.Ang buwan na kung saan ang bawat magkasintahan ay lubhang masaya .Pero para saaming mga bitter,ito ang araw ng mga sawi,mga sawi  pag -dating sa pag-ibig.

Kung tutuusin,wala naman talaga akong pake kung ang pebrero ay ang sinasabing buwan ng mga puso.Para saakin ang pebrero ay isang buwan lamang sa kalendaryo na kung saan ang bawat estudyante ay lubhang abala paggawa ng kanilang mga proyekto dahil ika-apat na markahan na.

Kung ang mga magkakasintahan ay aalis sa lingo (pebrero 14) para sa kanilang date, ako naman ay nag aral na lang at aking sinimulang tapusin ang aking proyekto sa T.L.E.

At muli,ang pebrero ay isang buwan lamang sa kalendaryo.

Biyernes, Enero 1, 2016

New Year's Resolution..

Patapos na ang taong 2015.Bagong pahina nanaman ng aking buhay ang aking sisimulan.Dahil mag babaging taon na,ay syempre may new year's resolutions ako .

1.Kakain na ng maraming kanin at maraming ulam  upang tumaba ako
2.Gagawin na ang takdang aralin ng mas maaaga para hindi gahol sa oras
3.Mag rereview ng mga leksyon para hindi bumagsak sa mga pagsusulit
4.Matutong makisama sa iba para walang away ang maganap
5.Magiging masipag sa loob at labas ng tahanan

Ayan lamang ang aking new years resolution para sa taong ito  at sisiguraduhin ko na ito'y aking magagawa

Bisperas ng Pasko....

Ito ang gabi kung saan ay nagpuyat ako ng buong gabi upang magnigay ng mga pamasko sa mga batang nangangarolin sa kalsada.Ito rin ang araw na kasama sa mga paboirito kong araw dahil marami akong regalo na natatanggap.Ito ay ang bisperas ng pasko o christmas eve sa ingles.

Nagpuyat ako dahil kinabukasan ay pasko na.Ang isa pang dahilan kung bakit ako nagpuyat ay dahil nagkaroon ng fire worrks display sa aming barangay.

Pumunta rin angn aking mga pinsan,tita at tito mula sa malalayong l;ugar para lang kami ay makasama sa pagdiriwang ng pasko.

Ito na ata ang pinakamasayang pagdiriwang ng pasko dahil sama-sama kaming magkakapamilya para ipagdiwang ang araw ng kapanganakan ni  papa jesus.

Martes, Disyembre 29, 2015

All I Want For Christmas......

Marami saatin ang may ibat-ibang kahilingan ngayong pasko na gustong-gustong matupad lalo na ang mga bata sa panahong ito.Ang ilan saatin ay may kanya-kanyang wishlist na gusto nilang matupad mula sa ibang tao.

Panigurado ang mga hilingng mga bata ngayong kapaskuhan ay mga laruan o di naman kaya ay mga gadgets tulad ng tablet at cellphone.Ang iba naman ay pera lang ang gusto nila matanggap.

Siyempre ngayong papalapit na ang araw ng pasko ay may wishlist din naman ako.
1. 0+ notepad with intellipen
2.bagong phone
3.color pencil (faber castle)
4.pera
at ang huli at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang magkasama sama kaming buong pamilya ngayong pasko.


Ito ang pinakamahalaganag bagay na hiniling ko ngayong pasko dahil naniniwala ako na ang pamilya ang pinakamahalaga sa lahat ng mga bagay , mas mahalaga pa sa dyamante ang pamilya ko.

Hindi man ito natupad sa kadahilanang nagtatrabaho ang aking ama sa ibang bansa ay ayos lang para saakin dahilnaiintindihan ko naman kung bakit wala siya sa aming tabi.Ginagawa niya iyon para makatapos kami ng pag aaral .



Kaya naman maligayang pasko sa lahat ng tao na andito sa mundong ito.