Linggo, Nobyembre 22, 2015

Pamilya

      Hayyyy ...Paminsan nakaka asar umuwi sa bahay, kasi Imbis na maganda ang pambunggad sayo ng mga magulang mo,Sermon pala.Paano ba naman ,ang inaasahan ko marinig mula sa kanilang mga labi ay: O anak ,kumusta ang pag aaral mo,Kumain ka na?..Hindi eh,machine gun agad ang bumungad sayo eh.Nakaka-asar nga sila eh.

     Bilang Isang teen-ager,normal na saamin na maburyong kapag sinesemonan ka ng magulang mo.Paminsan nga kapag pinag sasabihan ako ay sinasagot-sagot ko sila ng pabulong.Paminsan naman pag sinesermonan ka at hindi ka sumasgot  sa kanila ay nagagalit sila,sasabihin nila na:’’ano,wala kang panlusot no?” Paminsan naman kapag sumagot ka sa mga tanong nila,nagagalit sila at sasabihin pa na:”ikaw bata ka,marunong ka nang sumagot saamin ha”with matching duro-duro…Pamisan naman kapag umupo ka lang saglit ay uutusan ka pa nila,at dahil mabuti akong anak,gagawin koi yon.Pero pag sinabi mo :”sandali lang po”at naabutan ka nila na naka-upo,sasabihan ka nila na”ayan,para kang pako pag hindi pinukpok hindi pa babaon.Sarap sabihin na malamang,may pako ban a bumabaon kusa?Diba wala..At eto pa,lahat ng mga Speeches nila/tag lines/famous line/sermon/saying ay araw araw mo nalang maririnig,nakakasawa na kaya.

      
 Oo,inaamin ko na sinabi ko na “sana iba nalang ang mga magulang ko”pero sa isipan ko lang iyon sinabi.Pero ang pag-kabwiset ko sa kanila ay nawala dahil lang sa Isang post(picture)sa facebook.Nabasa ko doon na noong bat aka pa lagi mong sinabihan sila na “I Love You”,Pagtungtong mo ng Teen ager “my parents are so annoying”,Noong tumanda na sila at nalaman mo na malapit na sila pumanaw ay sinasabihan mo sila na”Mga pabigat kayo.
At nung namatay na ang kaniyang magulang ay labis ang kaniyang pag-sisisi.

       Kaya naman nag karoon ako ng reyalisasyon noong mabasa ko ang post na iyon.Napaluha ako dahil nakaramdam ako ng matinding  pagka-guilty.Kaya naman sabi ko sa sarili ko na hayaan mo na lang sila na pag sabihan ka o sermonan ka ,dahil ito'y para sa aking ikabubuti.
Siyempre nag-papasalamat na rin ako sa mga ginawa nila sa akin ,dahil kung hindi iyon ginaw3a sa akin ng mga magulang ko ay siguro ako parin ng John Paul na mahina at madaling patumbahin ng iba.Kaya naman bilang pagtanaw na utang na loob sa kanila,ginagawan ko sila ng kabutihan,siyempre pasimple lang kasi nakokornihan ako .



        Kaya naman sa mga magulang ko (Estrella D.Inventor at Tommy P.Inventor) , maraming salamat sa kabutihan,pag sermon , pag-mamahal ,oras at marami pang iba na inalay ninyo po para sa akin / saamin para lang  mapabuti ang aming buhay kahit na kayo ang nagsusuffer sa mga problema.I Love You po ,hinding hindi ko malilimutan ang mga aral at ang mga tag lines ninyo.
 #FAtherMotherILoveYou(FAMILY)

Martes, Nobyembre 10, 2015

Realisasyon:Parabula ng banga.

      Ang aking naging realisasyon tungkol sa Parabula ng Banga ay lagi tayong makinig sa mga bilin o paalala ng ating mga magulang at lagi din sundin ang kanilang mg autos dahil ito’y para sa ating Ikabubuti at para na rin makaiwas tayo sa mga masamang gawain. 




      At bilang isang indibidwal na rin ay magpakatatag tayo sa mga suliranin na ating kinakaharap at bago tayo gumawa ng isang kilos ay pagisipan muna nating mabuti ang kung ito ba ay makabubuti para sa atin.                                                       
        #Tandaan na dapat unahin ang edukasyon bago mag-harot.