Biyernes, Oktubre 30, 2015

10 bagay na gagawin ko sa sem-break

Hayyy.....Sembreak na,ito ang araw na pinakahihintay ko at ng mga iba pang estudyante.....Anokaya  ang pwede kong gawin sa araw na iyon?

1.Bubuksan ang aking account sa facebook at makkichat sa mga kaybigan ko
2.Magbabasa ng mga kwento sa wattpad
3.Maglalaro ng mga computer games
4.Pupunta sa S.M para kumain sa McDo
5.Manonood ng mga pelikula
6.Gagawin ang mga takdang aralin
7.Pupunta sa bahay ni tablo para mag praktis ng interpretative dance
8.Mamamasyal sa Sta.Lucia kasama ang aking pamilya
9.Makikipalaro sa mga kaybigan ko ng mga larong kalye
10.Gagawin ang mga gawaing bahay

Note:Ma’am sinadya ko po talaga itong ipost ng biyernes para mapatunayan na nagawa ko po ang mga gawain na nakasulat sa itaas
J

Biyernes, Oktubre 23, 2015

Gusto kong puntahan sa bansang tsina



Ang bansang tsina ay kinikilala ng buong daigdig bilang isang bansa na siya lang ang bansa na napanatili ang kanilang kultura hanggang sa ngayon.May mga historikong lugar din sa naturang bansa.Ilan ditto ay ang Forbidden City,Great Wall of China,Terracotta Army  na gusting-
gusto kong puntahan.



1.Forbidden City
       
Kaya gusto kong mapuntahan ang forbidden city ay dahil gusto kong Makita sa personal ang lugar na ito.Nais ko rin makunan ng larawan at makatapak sa naturang lugar.
2.Great Wall of China
Kaya gusto mapuntahan ang lugar na ito ay dahil nais kong Makita ,mahawakan at makatapak sa imprastraktura na ito.Maganda ang lugar na ito para kumuha ng magagandang larawan ng mga tanawin.
Image result for terracotta warriors3.Terracota Army

              Ang dahilan naman kung bakit ko nais mapuntahan ang lugar na ito ay uoang malaman pa ng husto ang kasaysayan ng bansang tsina at para narin makakuha ng mga larawan ng naturang army.

Lunes, Oktubre 12, 2015

Kababaihan,ating protektahan at igalang ang kanilang karapatan.

Tinatalakay sa palabas na ito ay tungkol sa mga babaeng kahit sila ay nakulong sa kulungan,ay may karapatan pa rin sila na magkaroon ng magandang pamumuhay.
Ang mga babae dito ay nakulong  dahil sa mga krimen na ginawa nila at ang iba naman ay naakusahan,Nakalaya sila dahil sa parola.Matapos ang pag laya nila,sila ay nag trabaho at sila ay gumawa ng isang negosyo.Mahihinuha ditto na may karapatan ang mga kababaihan na magtrabaho.

Lunes, Oktubre 5, 2015

Buwan ng mga guro.

Sila ang gumabay,nag-alaga,at tumayong pangalawang magulang sa paaralan.Tinatawag natin sila na maam o sir .Sila ay mga teacher o guro.
Sila ang nag-bibigay ng kaalaman sa mga bagay-bagay na nandito sa mundo.

Ngayong buwan ng mga guro,may gusto akong pasalamatan dahil para saakin ,siya lang ang guro na nagpadama saamin  ng pag-mamahal na Kaylan man ay hindi matatawaran ng sino man.Ang guro na aking tinutukoy ay ang dati naming guro noong kami ay grade 8 palamang siya ay si Sir.Timbal.


Nagpapasalamat din ako sa mga guro ng mambugan na nagbigay saamin ng inspirasyon upang kami ay magpatuloy sa pag-aaral, nagbigay saamin ng kaalaman at nagturo ng tama at mali,nagturo ng paggawa ng kabutihan at nagbibigay ng oayo kapag kami ay may problema.

Sa lahat ng mga guro na nandito sa mundong ito,maraming salamat sa dugo,pawis at oras na inilaan ninyo saamin upang kami ay turuan at bigyan ng bagong kaalaman.Kaya naman sa lahat ng mga guro ,HAPPY TEACHER’S DAY.

Kahalagahan ng sanaysay

Bakit nga pinag-aaralan ang sanaysay? Ano ba nga ba ang kahalagahan ng sanaysay?
Sa aking palagay ang ,mahalagang pag-aralan ito upang magkakaroon tayo ng kaalaman kung paano magpahayag ng ating opinyon hinggil sa isang bagay na walang nasasaktan , walang gulo ang mangyari at ang huli ay magkaroon ng magandang conversation.

Sapat ba o Kulang ?

|Sapat ba o kulang ang karapata na natatamasa ng mga kababaihan?
Sa panahon ngayon,maraming napapabalitaan na binubugbog daw ng mga mister ang kanilang misis. Maraming kababaihan ang nag poprotesta upang isulong ang kanilang karapatan. Sinasabi nila na kulang pa ang karapatan na kanilang natatamasa.

Sa aking opinyon , sinasangayunan ko ang sinasabi nila dahil sa totoo lang marami pang mga babae ang inaabuso at sinasaktan.